^

Balita Ngayon

Tulak ng droga sa Ilocos Norte, timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  – Tiklo ang isang tulak ng droga at hinihinalang nagpapatakbo ng gun-for-hire na operasayon, ayon sa Philippine drug Enforcement Agency - Region 1.

Huli sa akto ang 49-anyos na si Jose Amos Agdigos na nagbebenta ng pakete ng shabu sa tauhan ng narcotics sa barangay Bil-loca, Batac noong Sabado.

Nasabat pa mula sa suspek ang 22 pakete ng shabu at nakuha naman ang ilang armas at granada sa kanyang bahay sa barangay Rayuray, Ilocos Norte.

Nabawi din kay Agdigos ang P3,500 marked money na ginamit sa entrapment operation at pera na may halagang P68,400 at cellphone na sinasabing ginamit sa pagbebenta ng ilegal na  droga.

Sinabi ng tagapagsalita ng PDEA-Region 1  na si Bismark Bengwayan na hindi lamang si Agdigos ang pinagkukunan ng shabu sa lungsod ng Batac ngunit siya rin ang nagpapatakbo ng gun-for-hire group.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagbebenta at pagkakaroon ng ilegal na droga at ilegal na pagdadala ng armas.

AGDIGOS

BATAC

BIL

BISMARK BENGWAYAN

ENFORCEMENT AGENCY

HULI

ILOCOS NORTE

JOSE AMOS AGDIGOS

NABAWI

NAHAHARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with