^

Balita Ngayon

Negosyante, tulak ng droga huli sa Sarangani

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote ang isang negosyante at isa pang hinihinalang kilabot na tulak ng droga sa Saranggani province sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nadakip ang merchandiser na si Alban Escanilla, 37, ng Purok Masagana, Poblacion, Alabel, Sarangani Province at Mesmer Belinario, 31, negosyante mula Purok 5, Cogonal, Alabel noong Pebrero 19.

Ayon kay Cacdac, panglima sa listahan ng target-list ng PDEA Central Mindanao si Escanilla at ang pagkakaaresto sakanya ay inaasahang makakaapekto sa pag ikot ng droga sa probinsya ng Saranggani at sa mga karatig na bayan.

Nakorner ang mga suspek nang mga tauhan ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO-12) Sarangani Special Enforcement Group matapos magkabentahan ng ilegal na droga na may timbang na tatlong gramo sa may kalye ng Balimbing, purok Mabuhay, Poblacion, Alabel.

Nabawi sa dalawang suspek ang apat na improvised lighters, isang aluminum strip, isang cellphone at P500 buy-bust money na ginamit sa operation.

Nahaharap sina Escanilla at Belinario sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng Republic Act 9165, o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ALABEL

ALBAN ESCANILLA

ARTURO CACDAC JR.

CENTRAL MINDANAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG PARAPHERNALIA

DRUGS ACT

ESCANILLA

MESMER BELINARIO

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with