Rio Grande de Mindanao umapaw; 4,000 pamilya apektado
MANILA, Philippines – Lumikas ang halos 4,000 pamilya sa mas matataas na lugar matapos umapaw ang Rio Grande de Mindanao dahil sa walang tigil na pag-ulan sa rehiyon nitong nakalipas na tatlong araw.
Apektado ang mga baranggay sa pagitan ng bayan ng Kabacan sa North Cotabato at mga bayan ng Montawal at Pagulungan sa Maguindanao.
Ayon sa Catholic radio station na dxMS ngayong Huwebes ng umaga ilang baranggay sa Midsayap, North Cotabato ang apektado rinng pagbaha dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao.
Sabi ni Susan Macalipat, municipal social welfare officer ng Kabacan, pitong baranggay malapit sa mga riverbanks sa kanilang bayan ang lubog sa hanggang baywang na baha.
Umabot sa 2,229 pamilya ang lumikas nang rumagasa ang baha sa mga baranggay ng Kayaga, Pedtad, Buluan, Nangaan, at Cuyapon sa silangang bahagi ng bayan ng Kabacan, dagdag ni Macalipat.
“This is a perennial, recurring problem. Our people have become so used to evacuations due to floods because our town is crisscrossed by big rivers,†sabi ni Joseph Adam, municipal engineer ng Montawal.
- Latest
- Trending