^

Balita Ngayon

Salvage ops para sa USS Guardian natigil dahil kay 'Crising'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin matuloy ang salvage operations para sa USS Guardian na nakasadsad sa Tubbataha Reef dahil sa bagyong "Crising."

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Lt. Commander Armand Balilo, nakakaranas pa rin ng matinding paghataw mula sa malalakas na alon at hangin ang salvage crane ship na Jascon 25.

Idinagdag ni Balilo na apektado rin ng "poor visibility" ang salvage operation na ikinasa para sa US minesweeper na sumadsad sa naturang bahura noong nakalipas pang buwan.

Nauna nang iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bumagal si Crising habang binabagtas ang Sulu Sea kaninang 10 a.m.

Ang Tubbataha Reef ay nasa bahagi ng Sulu Sea, malapit sa probinsya ng Palawan.

Ayon sa PAGASA, lalapit pa ang bagyo sa Palawan sa Huwebes ng umaga at mananatili sa bisinidad nito hanggang sa hapon.

Sinabi ni Commodore Enrico Evangelista na pinuno ng Task Force Tubbataha, mananatili ang Jascon 25 sa Tubbataha at itutuloy ang operasyon sa oras na gumanda ang panahon.

Aniya, wala pa rin pagbabago sa oras ng inaasahang aktuwal na pagtanggal sa US minesweeper. Inihayag ng task force na inaasahang matatanggal sa bahura ang minesweeper bago sumapit ang Marso 23.

ANG TUBBATAHA REEF

AYON

COMMANDER ARMAND BALILO

COMMODORE ENRICO EVANGELISTA

CRISING

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

JASCON

PALAWAN

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SULU SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with