8 inaresto sa ginawang raid sa Taguig
MANILA, Philippines – Timbog sa ginawang raid ng Taguig City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang walong katao, kabilang ang Filipino-British na babae, sa hinihinalang drug den sa barangay Sta. Ana noong Lunes ng hapon.
Sinabi ng hepe ng Taguig City Police na si Senior Supt. Arturo Asis, bandang alas-4 p.m. sinalakay ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den sa tatlong-palapag na bahay sa kalye ng P. Burgos.
Isinagawa ang pagsalakay matapos makatanggap ng “tip†ang mga pulis at PDEA tungkol sa mga suspek at umano’y ilegal na pagdo-droga sa loob ng bahay.
Bukod sa pagpapantili ng drug den, sinasabi din na nagtitinda din ng ilegal na droga ang mga suspek, ayon sa Taguig Police.
Arestado sina Joana Paula Tinga, Philip Crespo, Ester Minorete, Eileen Adeza, Luisito Mabilog, Crayon Sheafer Ong, Henry Tinga at Filipino-Briton Aurora Rochay Moynihan.
Nakuha mula sa mga suspek ang P15,000 marked money na ginamit ng undercover police sa pagbili ng drugs, limang gramo ng shabu, marijuana, ecstasy tablets at iba’t iba drug paraphernalia.
Nakasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang walong suspek.
- Latest
- Trending