P600M halaga ng droga sinira ng PDEA
MANILA, Philippines – Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P612 milyong halaga ng droga sa Integrated Waste Management, Inc., baranggay Aguado, Trece Martirez City, Cavite ngayong Lunes.
Sinira ang 235,419.91 na gramo ng iba't ibang droga kabilang ang methamphetamine hydrochloride o shabu, marijuana, ephedrine, ecstasy, cocaine, valium, phentermine, pseudoephedrine, opium poppy seeds, expired medicines; 16,618 milliliters ng liquid shabu at 315 milliliters ng amphetamine.
"Based on the consolidated report of the PDEA Laboratory Service, shabu represents 78.74 percent, or P481.89 million, of the total amount of illegal drugs destroyed through thermal decomposition," sabi ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr.
Nasilayan ng mga opisyal ng PDEA at iba kinatawan ng law enforcement agencies tulad ng Department of Justice, Dangerous Drugs Board, Public Attorney’s Office, kinatawan ng non-government organizations at barangay officials ng Trece Martirez City.
"We want the public to witness the destruction of illegal drugs before they reach the hands of intended consumers. In addition, this is one way of allaying public apprehensions that dangerous drugs seized by authorities are being reused, recycled or sold back in the streets," sabi ni Cacdac.
Ikinatuwa din ni Cacdac ang ginawang hakbang ng iba't ibang sangay ng Regional Trial Court sa mabilis na prosekyusyon at disposisyon ng mga kaso ng droga na naging dahilan upang masira ang mga ilegal na droga dahil hindi na kinailangan pa ito bilang ebidensya.
- Latest
- Trending