3 tiklo sa shabu raid sa Davao Oriental
MANILA, Philippines - Aabot sa P600,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa pagsalakay sa dalawang bahay sa Davao Oriental, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Miyerkules.
Ayon kay PDEA director general Arturo Cacdac Jr., nasamsam ang shabu mula sa mga tirahan nina Ledener Siraji, Sabdani Jalali at Inseh Ruana Aminulla Jalali sa Purok 2, Barangay Tagabebe sa bayan ng GovernorGeneroso noong Pebrero 3.
Nabawki ng mga tauhan ng PDEA mula sa bahay ni Siraji ang 23 pakete ng shabu na may bigat na 8.2831 gramo, iba’t ibang drug paraphernalia at 9mm pistola na kargado pa ng bala.
Nakuha naman ng raiding team sa loob ng bahay ni Jalali ang 86.3649 gramo ng shabu na nakapaloob sa 14 malalaking pakete, iba’t ibang drug paraphernalia, .45 caliber pistol at 79 na bala.
Pansamantalang nakakulong sa Davao Oriental Criminal Investigation and Detection Team Office ang mga suspek.
- Latest
- Trending