Higit 30 NPA nakasagupa ng militar sa Zambo
MANILA, Philippines - Higit sa 30 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakaengkwentro ng militar sa isang liblib na baranggay sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Nagsimula ang putukan sa pagitan ng mga rebelde at Army Scout Ranger bandang 1:15 ng hapon nitong Martes sa Barnaggay Lantawan.
Sinabi ni Maj. Edgardo Amores, tumatayong tagapagsalita ng 1st Army Division, pinaniniwalaang nagpulong ang mga miyembro ng local communist movement (LCM) ng Section Committee Kara at Main Guerrilla Unit sa ilalim ng Western Mindanao Revolutionary Party Committee (WMRPC).
Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan habang kumakalat ang mga rebelda upang tumakas.
Sinabi ni Amores na may nakitang mga bakas ng dugo sa dinaanan ng mga rebelde, indikasyon na maraming sugatan sa kanila.
- Latest
- Trending