^

Balita Ngayon

P1.5-M Samsung LED TVs nabawi ng Customs

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasabat ng Bureau of Customs ang P1.5 milyon na halaga ng mga Sharp LED TV sets mula sa isang appliance store sa loob ng kilalang mall sa mga lungsod ng Pasig at Mandaluyong.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, hiniling noong Disyembre 18, 2012 ni Sharp Philippines Director Silverio F. Montalbo na magsagawa ang BOC ng imbestigasyon sa Listening in Styles na tindahan sa Shangri-La Plaza Mall at Eastwood, Pasig City dahil sa posibleng ilegal na pag-angkat ng kanilang produkto.

Nagduda ang mga opisyal ng Sharp Philippines sa mga naka-display na TV sets sa tindahan kaya humingi sila ng tulong sa kawanihan.

“Immediately, after receiving the letter from Sharp Philippines, I ordered the Bureau’s Group under Deputy Commissioner Danilo Lim to conduct the investigation and to undertake all appropriate actions” sabi ni Biazon.

Matapos ang ilang linggong pagmamanman at sa pagpapalabas ni Biazon ng Letter of Authority (LOA), nagtungo ang mga operatiba ng BOC-IG noong Enero 17, 2013 sa Listening and Style at kinumpiska ang mga imported na TV.

Nakuha ang 90 inches HDTV, ang pinakamalaking LED Sharp Television sa mundo na nagkakahalaga ng P600,000; dalawang 80 inches LED Sharp TV na nagkakahalaga ng P300,000 bawat isa, at apat na 60 incehs LED Sharp Television na nagkakahalga ng P85,000.

“The Bureau of Customs will not limit its anti-smuggling operations to the ports, we will enforce our mandate to get smugglers and smuggled goods anywhere in the Philippines” pahayag ni Biazon.

Sa panig naman ng naturang tindahan, sinabi ng mga abogado nito na ang mga nasamsam na telebisyon ay ipinagbili sa kanila ng mga overseas Filipino workers.

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPUTY COMMISSIONER DANILO LIM

LETTER OF AUTHORITY

LISTENING AND STYLE

PASIG CITY

SHARP PHILIPPINES

SHARP TELEVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with