Dagdag na motorcycle cops sasanayin ng NCRPO
MANILA, Philippines – Magsasanay pa ng mas maraming motorcycle cops ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang maharang ang mga "riding-in-tandem" na kriminal sa Metro Manila.
Sinabi ni Director Leonard Espina, hepe ng NCRPO, kailangan nilang magsanay pa ng mas maraming tauhan na nakamotorsiklo upang masiguradong may pantapat ang pulisya sa mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa paggawa ng krimen.
“We will teach our motorcycle cops new tactics, skills, and knowledge to counter the threat of these riding-in-tandem criminals,†pahayag ni Espina at sinabing makikipagtulungan sila sa mga civilian motorcycle experts sa pagsasanay ng kanilang mga tauhan.
Umabot sa 59 pulis ang nakatapos ng 15-araw na Executive Motorcycle Riding Course sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig, kung saan naturuan sila kung paano umiwas sa mga traffic hazards sa kalsada, ligtas na pagtagos sa pagitan ng mga sasakyan at kung papaano reresponde sa delikadong sitwasyon kahit nakasakay sa motorsiklo.
- Latest
- Trending