Imprenta ng mga balota sinimulan na ng NPO
MANILA, Philippines – Sinimulan na ng National Printing Office (NPO) ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa halalan sa darating na Mayo.
Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Commission on Elections, na sinimulan ng NPO ang pag-iimprenta ng mga balota pasado 10 ng gabi nitong Lunes.
Ayon kay NPO Director Emmanuel Andaya, aabutin lamang ng 65 araw ang pag-iimprenta ng lahat ng mga balota na kakailanganin sa darating na halalan.
Sinabi ni Andaya na kayang mag-imprenta ng makabagong makina ng NPO ang isang milyon balota kada araw.
- Latest
- Trending