^

Balita Ngayon

Lider ng NPA sa CamNor arestdo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang mataas na miyembro ng New People's Army (NPA) sa Camarines Norte sa isang operasyon ng militar Lunes ng gabi.

Kinilala ni Col. Richard Lagrana, ng kumander ng 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army, ang naarestong rebelde na si Nancy Ortega na kilala din sa mga alyas na Nads at Sads.

Base sa mga inisyal na ulat, nasakote ng pinagsamang puwersa ng militar at pulis si Ortega sa Baranggay San Roque, sa lungsod ng Iriga bandang 8:30 ng umaga noong Lunes. Nahaharap ang suspek sa kasong multiple frustrated murder.

"She led various attacks on military/PNP posts in Cam Norte as well as directed the killings of many innocent civilians," ani Lagrana.

Binibisita ni Ortega ang kanyang mga kamag-anak sa Iriga nang maaresto ng mga awtoridad.

BARANGGAY SAN ROQUE

BINIBISITA

CAM NORTE

CAMARINES NORTE

INFANTRY BRIGADE

IRIGA

NANCY ORTEGA

NEW PEOPLE

ORTEGA

PHILIPPINE ARMY

RICHARD LAGRANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with