^

Balita Ngayon

Bomba sumabog sa Lanao; 3 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong tao ang ang sugatan matapos sumabog ang isang bomba sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte ngayong Lunes.

Ayon kay Brig. Gen. Daniel Lucero, commander ng 103rd Brigade ng Philippine Army, malamang na itinanim ang bomba sa isang motorsiklo na nakaparada sa harap ng Ismael Restaurant sa Baranggay Poblacion sa kahabaan ng national highway.

Sinabi ni Lucero na naganap ang pagsabog mga bandang 11:15 ng umaga.

Nasa loob ng restaurant ang dating alkalde ng bayan ng Salvador na si Sultan Jhony Tawantwan kasama ang abogado niya na si Yusop Omar, nang mangyari ang pagsabog.

Naniniwala si Tawantawan na siya ang pakay ng pambobomba.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pag-atake.

vuukle comment

AYON

BARANGGAY POBLACION

DANIEL LUCERO

INAALAM

ISMAEL RESTAURANT

LANAO

LUCERO

PHILIPPINE ARMY

SULTAN JHONY TAWANTWAN

YUSOP OMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with