^

Balita Ngayon

30 patay sa engkuwentro ng MNLF at ASG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 30 katao na ang naiulat na patay sa pagpapatuloy ng engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Abu Sayyaf group sa kagubatan ng Patikul, Sulu ngayong Lunes, ayon sa isang pinuno ng rebeldeng grupo.

Kinumpirma ng mga pulis na patuloy ang engkuwentro ng dalawang grupo ngayong Lunes. Tiniyak naman ng mga awtoridad na hindi na madadamay ang iba pang lugar sa bakbakan na muling sumiklab bandang 7:00 ng umaga.

Sinabi ni Habib Mujahab Hashim, pinuno ng Islamic Command Council (ICC) at isa sa senior leaders ng MNLF central committee, umabot na sa 16 ang nasasawi sa grupo ng MNLF na pinamumunuan ni Ustadz Habier Malik.

Aniya, nakatanggap din siya ng ulat na may pitong miyembro na ng grupo ni Malik ang pinupugutan ng Abu Sayyaf.

Idinagdag ni Hashim na may mga ulat din siyang natanggap na 14 na mga miyembro ng Abu Sayyaf ang namamatay na rin sa engkuwentro.

Muling sumiklab ang engkuwentro nang atakehin ng MNLF ang lugar ni Hajjan Sawajaan habang patungo sa kuta ng Abu Sayaff leader na si Radullan Sahiron.

Sinabi ni Hashim na may mga ulat na nasa kustodiya ni Sawajaan ang Jordanian journalist na si Baker Abdulla Atyani na dinukot kasama pa ang dalawang news crew noong Hunyo 13 ng nakaraang taon.

Ang cameraman na si Ramel Vela at audio technician na si Rolando Letriro ay pinalaya noong Sabado.

Nag-ugat umano ang engkuwentro sa pagitan ng dalawang grupo nang subukan ng MNLF na kuhanin mula sa Abu Sayyaf si Atyani.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na buhay pa si Atyani.

ABU SAYAFF

ABU SAYYAF

ATYANI

BAKER ABDULLA ATYANI

HABIB MUJAHAB HASHIM

HAJJAN SAWAJAAN

HASHIM

ISLAMIC COMMAND COUNCIL

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with