Pulis Maguindanao tinambangan, patay
MANILA, Philippines – Itinumba ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang isang pulis sa labas ng kanyang bahay sa Maguindanao noong Linggo ng gabi.
Utas si Police Officer 3 Oscar Ronquillo ng Cotabato City Police Station 2 sa labas ng bahay niya sa Baranggay Salimbao SA bayan ng Sultan Kudarat.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, .45 at 9mm pistol ang ginamit na baril sa pagpatay kay Ronquillo base sa mga nakuhang basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pananambang at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
- Latest
- Trending















