^

Balita Ngayon

19-anyos na may 30 kaso ng pagnanakaw huli sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 19-anyos na lalaki na sangkot sa mahigit 30 kaso ng pagnanakaw ang naaresto ng mga pulis sa North Cotabato nitong Huwebes ng gabi.

Nakorner ng mga awtoridad ang most wanted na si Jestoni Saban sa kanyang kuta makalipas ang tatlong-linggong pagmamanman.

Ayon kay Arniel Melocotones, deputy chief ng Kidapawan City police, na may nakapagsumbong sa kanila na namataan si Saban sa may Sinsuat Street nang naturang lungsod.

Agad nagpatakbo ng mga tauhan si Melocotones sa naturang lugar. Tinangka pa umanong pumalag ni Saban sa mga pulis ngunit wala rin siyang nagawa.

Bukod sa patung-patong na kaso ng pagnanakaw, nahaharap rin si Saban sa hiwalay na kasong kriminal dahil sa panununog ng isang bahay sa Kidapawan City na pinagnakawan ng kanyang grupo.

vuukle comment

ARNIEL MELOCOTONES

AYON

BUKOD

HUWEBES

ISANG

JESTONI SABAN

KIDAPAWAN CITY

NAKORNER

NORTH COTABATO

SABAN

SINSUAT STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with