Kilabot na tulak ng droga sa Basilan tiklo
January 23, 2013 | 3:06pm
MANILA, Philippines – Huli ang kilabot na tulak ng droga sa Basilan pati ang asawa niya sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang 47-anyos na suspek na si Rakib Hamid at 51-anyos na asawa niya na si Nurayyam. Nasakote ang mag-asawa sa isang operasyon na isinagawa noong Enero 21 sa Baranggay Tabuk.
Si Hamid ay nangunguna sa listahan ng mga pinaghihinalaang tulak ng droga sa Basilan.
Nakuha mula kay Hamid ang dalawang pakete ng shabu, isang digital na timbangan at tatlong piraso ng P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Mayroon nang nakaraang rekord ang mag-asawa na naaresto na rin noon dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Pansamantalang nakakulong ang mag-asawa sa pasilidad ng Isabela City police. Nahaharap ang mag-asawa sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng R.A. 9165.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended