Rights group sa Kongreso: Compensation bill ipasa na
January 23, 2013 | 1:23pm
MANILA, Philippines – Daan-daang biktima ng Martial law mula sa Central Luzon at Maynila ang nagtipun-tipon sa harap ng Senado ngayong Miyerkules habang ginagawa ang deliberasyon ng bicameral conference committee sa compensation bill.
"We hope that they finish discussing the bill today. We also urge them to stand by with provisions that recognize all legitimate victims, including the ‘conclusive presumption’ provision of the House version of the bill," pahayag ng chairperson ng rights group na Selda na si Marie Hilao-Enriquez.
Sa na "conclusive presumption" ng naturang panukalang batas, kinikilala ang 9,539 na biktima, kabilang ang 24 direct action plaintiffs na nagsampa at nanalo sa makasaysayang kaso laban sa mga Marcos noong 1986, bilang mga lehitimong biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng martial law.
"They have gone through the tedious process of proving that they are victims under a competent court and must not be made to go through a grueling process again of relating their sufferings under the law; they have done so in the Hawaii court already," ani Enriquez.
Idinagdag niya na ang probisyon ay nanghihikayat sa iba pang biktima na hindi nakasama sa makasaysayang kaso na lumutang na.
Isinantabi naman ng grupo ang mga pangambang baka mapalitan ng mga peke ag mga lehitimong compensation claimants. Binanggit ng grupo na may mga "safety nets" na nakasaad sa panukalang batas upang ito ay maiwasan.
Isa sa binanggit ng grupo na paraan ay ang pagsasama sa mga lehitiong organisasyon na kasalukuyang tumutulong sa mga biktima ng martial law sa proseso ng pagkilala sa mga karapat-dapat na makatanggap ng kompensasyon.
Umaasa ang grupo na agarang isasabatas ni Pangulong Aquino ang naturang panukala.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended