Pabuya vs pumaslang sa Kabacan vice-mayor itinaas sa P600K
January 22, 2013 | 4:54pm
MANILA, Philippines – Itinaas pa ni North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon upang maaresto ang mga pumatay kay Kabacan vice-mayor Policronio Dulay.
Sinabi ng hepe ng Kabacan municipal police na si Superintendent Leo Ajero na ang P600,000 na pabuya ay makakatulong upang mapabilis ang pag-aresto sa mga pumatay kay Dulay.
Pinagbabaril ng dalawang lalaki si Dulay dalawang linggo na ang nakakaraan sa labas ng isang department store sa commercial district ng bayan.
Si Dulay ay muli sanang tatakbo sa pagka-bise alkalde ng bayan ng Kabacan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest