^

Balita Ngayon

Marantan unang sisibakin 'pag napatunayan ang 'rubout'

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police chief Director General Alan Purisima ngayong Lunes na si Superintendent Hansel Marantan ang unang sisibakin sa serbisyo sa oras na mapatunayang hindi shootout kundi rubout ang dahilan ng pagkamatay ng 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.

"Kung mapatunayan na talagang nagkasala siya, siya ang unang-unang matatanggal sa serbisyo," panhayag ni Purisima sa regular na pulong-balitaan sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Si Marantan, isang police intelligence officer, ang tumayong team leader ng mga pulis at sundalo na nagtatag ng checkpoint sa Barangay Lumutan, Atimonan noong Enero 6 matapos umanong makatanggap ng ulat hinggil sa isang armadong grupo na papasok sa Quezon.

Kabilang sa 13 katao ng grupo ni Marantan ay si Vic Siman, isang pinaghihinalaang jueteng lord at isang mataas na opisyal ng pulisya.

Naka-confine ngayon si Marantan sa St. Luke’s Medical Center sa lungsod ng Taguig dahil sa tama ng mga bala ng baril sa kamay at paa.

May mga alegasyon na si Marantan mismo ang sumugat sa kanyang sarili upang palabasin na may nangyaring shootout.

Dalawang testigo ang nagtungo sa Baranggay Lumutan noong nakalipas na linggo kasama ang mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI) at si Justice Secretary Leila de Lima upang i-reenact ang insidente. Sinabi ng mga testigo pinaslang ang 13 biktima nang walang kalaban-laban.

Sinabi rin ng mga testigo na nakataas na ang mga kamay nina Siman para sumuko pero pinagbabaril pa rin sila ng grupo ni Marantan.

Sinabi naman ni De Lima na titignan ng NBI ang posibilidad na minanipula ng grupo ni Marantan ang crime scene upang palabasin na may naganap na engkuwentro.


Tinanggal na sa kanyang pwesto si Marantan. Iniutos na rin ni Pangulong Aquino ang pagkakasibak kina Calabarzon police commander James Melad at sa hepe ng Quezon police matapos magreklamo ang mga imbestigador na hindi nakikipagtulungan ang mga pulis na kabilang sa insidente.

May 25 sundalo at 24 pulis na nasa checkpoint ang tinaggal din sa pwesto.

vuukle comment

ATIMONAN

BARANGAY LUMUTAN

BARANGGAY LUMUTAN

CAMP CRAME

DE LIMA

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

MARANTAN

QUEZON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with