Plantasyon ng marijuana sa Benguet sinalakay
January 15, 2013 | 2:13pm
MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang marijuana "cultivator" sa pagsalakay sa isang plantasyon sa Benguet.
Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr. ang naarestong magsasaka na si Charlie Culbo, 49, ng Sitio Tableo, Baranggay Badeo.
Ayon kay Cacdac, naabutan ng mga operatiba ng PDEAA si Culbo sa plantasyang isagawa ang pagsalakay.
Agad sinunog ng mga operatiba ang nadiskubreng plantasyon na aabot sa lawak na 4,738 metro kuwadrado. Ang lupain ay sakop ng mga lugar ng Sitio Alamenes, Al-alinao at Baranggay Badeo sa bayan ng Kibungan.
Umabot sa 17,776 na halaman ng marijuana at 33,800 marijuana seedlings ang nasamsam sa plantasyon at 3,000 gramo ng buto ng marijuana ang kinumpiska.
Agad ding sinunog ang mga nakumpiskang droga na nagkakahalaga ng halos P5 milyon, sabi ni Cacdac.
Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region kasama ang Benguet provincial at lokal na pulisyA ang operasyon noong Enero 9 at Enero 10.
"A penalty of life imprisonment and a fine ranging from P500,000 to P10 million shall be imposed upon any person who shall plant, cultivate or culture plant, regardless of quantity, which is classified as a dangerous drug," sai ni Cacdac.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended