Arrest warrants sa mga opisyal ng Aman Futures, inilabas
MANILA, Philippines – Inilabas na ngayong Biyernes ng korte sa lungsod sa Pagadian ang mga warrant of arrests laban sa 10 opisyal ng investment firm na Aman Futures Group Philippines Inc. na itinuturong nasa likod ng kontrobersyal na P12 bilyong pyramid scam noong nakaraang taon.
Iniutos ng Pagadian City Regional Trial Court Branch 20 ang pagkakaaresto kina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez, Nimfa Luna, Darwin Wenceslao at Dona Coyme.
Noong Biyernes, sinabi ng Department of Justice na nagsampa sila ng two counts of syndicated estafa kontra sa 10 opisyal ng Aman Futures sa korte ng Pagadian City.
Hindi naman nakasuhan ang counsel at corporate secretary ng Aman Futures na si Isagani Laluna dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nag-ugat ang mga reklamo dahil umano’y niloko ang mga nagpasok ng pera na umabot sa P90 milyon noong nakaraang taon. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending