Purisima suportado ang imbestigasyon ng NBI sa Quezon 'shootout'
MANILA, Philippines – Inihayag ni Police Director General Alan Purisima ngayong Huwebes ang kanyang pagsuporta at sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa operasyon sa Quezon province na nag iwan ng 13 patay.
Sinabi ni Purisima na ang independent investigation ay makakatulong upang malaman ang katotohanan dahil sinasabing “rubout†ang nangyari sa insidente sa bayan ng Atimonan.
Nakahanap ng mga mali ang fact-finding team sa checkpoint ng mga pulis kung saan nangyari ang insidente at sinabing "shootout" ang naganap.
Ilan sa mga namatay ay mga opisyal ng pulis at miyembro ng umano’y nagpapatakbo ng jueteng.
“That’s why we supported the National Bureau of Investigation to know the truth. Because once the truth comes out, the other members of the PNP will be spared at hindi ‘yong buong kapulisan,†sabi ni Purisima habang siya ay nasa turnover ceremony ng Police Regional Office 9 (PRO) sa Camp Abendan sa baranggay Mercedes, Zamboanga City ngayong Huwebes.
Dagdag ni Purisima na hindi na siya mag-uutos ng background investigation sa mga opisyal ng pulis dahil matagal na nila itong ginagawa.
- Latest
- Trending