^

Balita Ngayon

DOJ kinasuhan ang 10 opisyal ng Aman Futures

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampung opisyal ng investment firm na Aman Futures Group Philippines Inc. ang kinasuhan na dahil sa kontrobersyal na P12 bilyong pyramid scam noong nakaraan taon, ayon sa Department of Justice.

Sa isang press conference, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na naghain na ng two counts of syndicated estafa ang mga prosecutor ng DOJ sa Pagadian City Regional Trial Court laban kina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez at  Lurix Lopez.

Hindi naman nasama sa kinasuhan ang Aman Future's counsel at corporate secretary na si Isagani Laluna dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Nag ugat ang kaso mula sa reklamo ng limang katao na umano’y naloko ng Aman Futures na nagkakahalaga ng P46 milyon.

Syndicated estafa naman ang isinampa laban kina Nimfa Luna, Darwin Wenceslao at Dona Coyme dahil sa naulat na pagsalungat sa siyam na investors ng P24 milyon.

AMAN FUTURE

AMAN FUTURES

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES INC

DARWIN WENCESLAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONA COYME

EDUARD LIM

FERNANDO LUNA

ISAGANI LALUNA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LELIAN LIM GAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with