^

Balita Ngayon

Miyembro ng MNLF utas sa pananambang

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Utas ang isang dating rebeldeng Moro sa isang pananambang sa isang coastal barangay sa Zamboanga City, ayon sa isang opisyal ng pulisya nitong Huwebes.
 
Kinilala ni Senior Superintendent Edwin de Ocampo, city police director, ang nasawi na si Akrab Jama na isa na ngayong maliit na negosyante sa siyudad.
 
Miyembro ng Moro National Liberation Front ang 40-anyos na si Jama at residente ng bayan ng Tuburan sa probinsya ng Basilan.
 
Lulan ng bangka si Jama at naghahatid ng inuming tubig sa Sitio Mulu-Muluan sa Barangay Mercedes nang tambangan ng hindi pa makilalang mga salarin na sakay ng isang pumpboat bandang 5:30 ng Miyerkules hapon.
 
Patay kaagad ang biktima habang ang kapitan ng bangka na kinilalang si Abduraji Jawari ay nakaligtas matapos tumalon mula sa bangka.
 
Inaalam pa ng mga awtoridad  ang motibo sa pananambang.

vuukle comment

ABDURAJI JAWARI

AKRAB JAMA

BARANGAY MERCEDES

BASILAN

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SENIOR SUPERINTENDENT EDWIN

SITIO MULU-MULUAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with