1 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Cotabato
January 3, 2013 | 2:54pm
MANILA, Philippines – Patay ang isang baranggay tanod habang sugatan ang isang mag-asawa at tsuper ng trak sa magkakahiwalay na pamamaril sa lungsod ng Cotabato at bayan ng Kabacan sa nakaraang apat na araw.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang nasawing tanod na si Gene Jordan namg tambangan siya sa harap ngnisang botika noong Martes ng dalawang armadong lalaki na lulan din ng motorskilo. Nilapitan siya ng dalawa at pinagbabaril gamit ang .45 kalibreng baril.
Nakatakbo pa papalayo si Jordan pero bumulagta din dahil sa mga tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Inaalam pa ng Kabacan municipal police ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang kanilang motibo sa pagpatay kay Jordan.
Nasundan ang insidente ng pamamaril sa mag-asawang sina Udtog at Perla Mama sa loob ng kanilang bahay sa Tamontaka.
Ayon sa mga nakasaksi, nag-uusap ang mga salarin sa lokal na salitang Maguindanaon nang pumasok sila sa bakuran ng mag-asawa at pinagbabaril ang mga biktima.
Sugatan ang mag-asawa dahil sa pamamaril.
Kaagad tumakas ang dalawang salarin matapos maramdamang nakatunog ang mga kapitbahay.
Pinakahuling biktima ang tsuper ng trak na si Rafael Trojales na pinagbabaril naman sa kalye ng Doña Teresa sa isang residential area.
Pababa ng kanyang minamanehong trak si Trijales nang dalawang beses siya barilin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo gamit ang .45 kalibre baril.
Tinamaan sa tiyan at panga si Trojales at kaagad naman nadala sa ospital, kung saan siya ay nagpapagaling ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest