Pardon para sa 8 matatandang bilanggo
December 28, 2012 | 3:45pm
MANILA, Philippines – Binigyan ni Pangulong Benigno Aquino III ng executive clemency ang walong matatandang bilanggo na may edad 71 hanggang 85.
Anim sa walong bilanggo ang binigyan ng "conditional pardon with parole conditions" habang ang sintensya ng dalawa pa ay binawasan.
Ang anim na binigyan ng conditional pardon ay sina:
- Agustin A. Caballero, 71, higit sa siyam na taon nang nasa kulungan
- Nicanor B. Medel, 72, higit sa siyam na taon at apat na buwang nasa kulungan at may sakit at bahaguan paralisado matapos ang atake sa puso
- Clarita L. Miranda, 71, higit sa 11 taon at walong buwan nang nasa kulungan
- Pablito L. Estrada, 73, higit sa 11 taon at 10 buwan nang nasa kulungan
- Felipe I. Gahit, Sr., 72, higit sa walong taon at 11 buwan nang nasa kulungan
- Venerando G. Generalo, 83, higit sa 10 taon at apat na buwan nang nasa kulungan.
Nakasaad sa kondisyon para sa anim na matatandang bilanggo ang: pag-iwas sa paggawa ng mga bagay na makakagulo sa lipunan, huwag gumawa ng krimen at laging maayos ang pag-uugali.
Ang dalawa pang bilanggo na nabawasan ang sintensya ay sina:
- Aurelio O. Amolong, na napatawan ng pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang 10 taon, at ngayon ay apat hanggang siyam na taon nalamang pero kailangan pa rin bayaran ang P50,000 na bayad-pinsala. Apat na taon at siyam na buwan nang nakakulong ang 85-anyos na bilanggo
- Celerino T. Sanchez na napatawan ng pagkakakulong ng walong taon at isang buwan hanggang 15 taon at ngayon ay limang taon hanggang 10 taon nalamang. Limang taon at 10 buwan nang nakakulong ang 82-anyos na bilanggo
Dahil napagsilbihan na ng dalawang preso ang minimum imprisonment sentence ay maaari na silang humiling ng parol.
Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) lima sa nim na bilanggo ay napalaya na noong Disyembre 22, 2012.
Ang pang-anim na bilanggo naman ay hindi kaagad napalaya dahil inaantay pa ang barko na maghahatid sakanya pauwi.
"This humanitarian act on the part of the President is a signal that the recognition of the principle of restorative justice prevails in our justice system," sabi ni Justice Secretary Leila De Lima.
Ang BuCor ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Department of Justice.
"We don't only wish to give these inmates the gift of freedom, but also to give them and their loved ones the opportunity to spend this period of time together as a family. After all, that is what Christmas is about to us Filipinos: family, love and forgiveness," dagdag ni De Lima.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am