^

Balita Ngayon

2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki at lima pa ang sugatan sa pag-atake ng isang grupo ng mga armadong lalaki malapit sa isang istasyon ng pulis sa Cotabato City ngayong Miyerkules ng umaga.
 
Nakilala ang mga namatay na biktima na sina Peks Sultan at Siramen Abdullah.
 
Sakay ang dalawang biktima at lima pang katao ng isang tinted na van nang tambangan sila ng armadong grupo malapit sa isang sementeryo sa naturang siyudad.
 
Ang naturang lugar ay may isang kanto lamang ang layo sa istasyon ng pulisya. Gayunman, hindi inabutan ng mga rumespondeng pulis ang mga nagsitakas na armadong lalaki matapos ang pananambang.
 
Inaala pa ng pulisya ang motibo sa pananambang.
 
Higit sa 200 katao na ang napaslang sa magkakasunod na pag-atake sa nakalipas na tatlong taon sa Cotabato City.

COTABATO CITY

GAYUNMAN

HIGIT

INAALA

MIYERKULES

NAKILALA

PEKS SULTAN

SIRAMEN ABDULLAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with