MMDA namigay ng tarpaullin, billboard sa Mindanao
MANILA, Philippines- Magpapadala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA ng isang trak na puno ng mga kumpiskadong billboard at tarpaulin sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa New Bataan, Compostela Valley at sa Cateel, Davao Oriental.
Ayon sa MMDA, maaaring magamit ang mga kumpiskadong billboard at tarpaulin bilang mga tent para pansamantalang matigilan ng libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang mga billboard at tarpaulin ay nakumpiska ng ahensya sa "Baklas Billboard" operations laban sa mga advertising companies na hindi sumunod sa mga alintuntunin na ipinapatupad ng ahensya.
“These tarpaulins are rotting in our warehouses so we have decided to put it to good use by sending it to typhoon-devastated towns in Mindanao,” sabi ni Tolentino.
May 19,212 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers matapos mawalan ng kanilang mga tahanan dahil sa paghagupit ng bagyong Pablo.
Sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may 902 na ang bilang ng mga kumpirmadong namatay at 635 pa ang nawawala dahil sa bagyo.
Pumunta mismo si Tolentino sa bayan ng New Bataan noong Miyerkules upang personal na manduhan ang search and retrieval operations na ginagawa ng MMDA. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending