Bumberong tulak ng droga nasakote ng PDEA
MANILA, Philippines - Tiklo ang isang bumbero na umano'y tulak din ng droga, sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Santos City.
Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Fire Officer 3 Luisito Motong, 50, ng Sampaguita Street, Barrio Bla’an, Barangay Labangal, General Santos City.
Aktibong fire officer si Motong sa General Santos City Fire Station.
Nakipagkita ang isang ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer kay Motong noong Disyembre 12, malapit sa istasyon ng Bureau of Fire Protection sa Santol STreet, Barangay Dadiangas North.
"Upon the pre-arranged signal, PDEA agents immediately rushed to the scene and apprehended the fireman,” sabi ni Cacdac.
Ayon kay Cacdac, itinuturing na isang 'high value target' si Motong.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.
Pansamantala siyang nakakulong sa PDEA RO12 custodial facility habang naghihintay ng utos ng korte sa tamang diskresyon.
- Latest
- Trending