Tauhan ni Mangudadatu inutas sa Sultan Kudarat
MANILA, Philippines – Utas sa dalawang motorcycle-riding gunmen ang senior engineering staff ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu sa bayan ng Esperanza sa Sultan Kudarat, ngayong Martes.
Namatay ang biktimang si Engineer Pendi Umal Abpet, hepe ng construction at technical division ng opisina ni Mangudadatu, dahil sa mga tama ng bala ng bartil sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sinabi ng chief investigator ng Esperanza municipal police na si Senior Police Officer 1 Jose Gallano, nakatayo si Abpet sa tabing kalsada nang tumigil ang mga salarin na lulan ng isang motorsiklo.
Walang kaabug-abog na bumunot ng .45 pistola ang mga suspek at pinaputukan si Abpet sa ulo at dibdib.
Tumakas ang mga suspek patunong bayan ng Ampatuan.
Patay na nang dumating si Abpet sa pagamutan.
Sinabi ni Mangudadatu na inutusan na niya si Maguindanao police director Senior Superintendent Jaime Pido upang tulungan ang Esperanza municipal police sa imbestigasyon. John Unson
- Latest
- Trending


















