Aquino pinirmahan na ang bagong AFP Modernization Act
December 11, 2012 | 4:12pm
MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Benignog Aquino III ang revised Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act ngayong Martes.
Sinabi ng Pangulo na pinapalawig ng bagong batas ang military modernization program ng 15 taon pa at umaasa siya na paiigtingin nito ang kakayahan ng hukbong sandatahan ng bansa.
Inaamyendahan ng Republic Act 10349 ang RA 7898 o ang AFP Modernization Act.
Ayon sa batas, P75 bilyong ang dapat ilaan sa unang limang taon ng implementasyon ng extended modernization program upang magamit ng Department of National Defense (DND) sa pagsasakatuparan ng programa sang-ayon sa Defense System of Management (DSOM).
Hindi kasama sa batas ang pagbili ng mga aircraft, vessels, tanks, armored vehicles, communications equipment at high-powered firearms mula sa public bidding.
Nakasaad din sa naturang batas ang pagpapatatag ng pangangasiwa ng defense system, kabilang ang pagpaplano at pagdidesisyon ng mga senior defense at military leaders.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest