Tulak tiklo sa buy-bust sa Bulacan
MANILA, Philippines - Nasakote sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang drug pusher sa Bulacan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.
Pinangalanan ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Charles Antipasado, 28, ng Pearl Street, Sta. Lucia Village, Phase 5, Punturin, Valenzuela.
Aniya, inaresto ng mga tauhan ng PDEA Regional Office-National Capital Region si Antipasado matapos siyang magbenta ng dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000.
Nakasilid ang shabu sa isang kaha ng sigarilyo na ibinenta ng suspek sa isang undercover agent ng PDEA sa Little Baguio Street, Malhacan, Meycauayan, Bulacan.
Nahaharap si Antipasado sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kakasuhan din siya ng violation of Direct Assault and Resisting Arrest under Article 148, ng Revised Penal Code. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending