^

Balita Ngayon

175 mangingisda nawawala sa Davao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 175 mangingisda mula sa General Santos City na naglayag sa karagatan ng Davao Oriental ang napaulat na nawawala, ayon isang opisyal ng Philippine Coast Guard nitong Biyernes.

Sinabi ni GenSan Coast Guard station commander Nelbert Aniversario na ibinigay sa kanila ang mga pangalan ng mga mangingisda ng Salar at Rugel tuna fishing companies.

Ani Aniversario, iniulat ng dalawang fishing companies na sakay ang mga mangingisda ng maraming fishing fleets na naglayag upang mangisda sa karagatan ng Davao.

Ikinakatakot pa ni Aniversario na tataas pa ang bilang ng mga nawawalang mangingisda dahil hindi pa lumalapit sa kanilang istasyon ang iba pang mga fishing companies sa siyudad.

Sa ulat ng dalawang naturang kompanya sa Philippine Coast Guard (PCG), ang mga nawawalang sasakyang-pandagat ay naglalayag sa layong 115 nautical miles mula Davao Oriental nang humagupit ang bagyong Pablo noong Lunes.

Dagdag ni Aniversario, ang mga sasakyang-pandagat na kinabibilangan ng mga carriers, light boats, at catchers, ay inaayos ang “payao” o fish aggregating devices sa lugar.

Sinabi naman ni Chief Petty Officer Emmanuel Imbuido na ayon sa mga tuna fishing companies nawalan sila ng komunikasyon sa kanilang mga sasakyang-pandagat bandang alas-4 Lunes ng hapon, isang araw matapos humampas ang bagyo sa kalupaan ng Surigao.

“We tracked down their given location at the vicinity of Mati area in Davao Oriental and Bislig in Surigao del Sur,” sabi ni Imbuido.

Sabi ni Aniversario, dalawang rescue vessels ang kanilang ipinadala upang magsagawa ng search and rescue operations. May iba pang kompanya ng mangingisda ang makikipagtulungan sa PCG.

Nagtago ang PCG ng command post sa ilalim ni Commodore George Ursabia sa daungan ng Mati City upang magpangasiwa sa operasyon.

“We’ve been communicating with our counterparts there every four hours to get some updates and other necessary information,” sabi ni Aniversario.

Noong Martes ng gabi, halos 500 katao ang isinugod sa Makar Wharf matapos kumalat ang balitang may catcher vessel na dumaong dala ang mga nawawalang mangingisda.

Sinabi ni Aniversario na “false alarm” ang nangyari sa roll-on/roll-off na vessel mula Cebu.

Ayon naman kay Marfenio Tan, dating pangulo ng Socsksargen Federation of Fishing and Allied Industries Inc. (SFFAAI), nasa 300 mangingisda ang pinaniniwalaang nawawala.

ANI ANIVERSARIO

ANIVERSARIO

CHIEF PETTY OFFICER EMMANUEL IMBUIDO

COAST GUARD

COMMODORE GEORGE URSABIA

DAVAO ORIENTAL

DAVAO ORIENTAL AND BISLIG

PHILIPPINE COAST GUARD

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with