^

Balita Ngayon

Isnatser patay sa 2 pulis sa Makati

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namatay na ang umano’y isnatser na nabaril ng dalawang pulis matapos nitong pagnakawan ang isang nars sa loob ng isang pampasaherong bus sa lungsod ng Makati nitong Martes ng hapon.

Sinabi ni Senior Superintendent Jaime Lukban, hepe ng pulisya ng Makati City, pumanaw ang isnatser na si Danilo Briones, 34, habang ginagamot sa Ospital ng Makati bandang 11:40 ng Martes ng gabi.

Ayon kay Lukban, tinangay ni Briones at isa pang kasama ang gintong kwintas ng 24-anyos na si Fina Cecilia Angel habang siya ay nakasakay sa Metrolinki bus na byaheng Baclaran sa may EDSA, malapit sa Baranggay Guadalupe Viejo bandang 2:45 ng hapon.

Sabi pa ng mga pulis na bumaba ang mga suspek ng bus at nakuha ang atensyon ng mga pulis na sina PO1 Moises Aquines ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) Regional Police Office at PO3 Rosti de Lunas ng Police Protection and Security Group na sakay din ng bus.

Hahabulin sana nina Aquines at De Lunas ang mga suspek nang bumunot ang kasamahan ni Briones ng baril at sinubukang barilin ang mga pulis. Dahil dito, napilitang barilin ng mga pulis si Briones sa kanang hita.

Nabawi pa mula kay Briones ang isang fan knife habang nakatakas ang kasamahan nito dala ang ninakaw na kwintas.

Hinahanap pa rin ng mga pulis ang nakatakas na suspek. Mike Frialde

vuukle comment

BARANGGAY GUADALUPE VIEJO

BRIONES

DANILO BRIONES

DE LUNAS

FINA CECILIA ANGEL

MAKATI

MAKATI CITY

MIKE FRIALDE

MOISES AQUINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with