Morato binasahan ng sakdal sa Sandiganbayan
December 3, 2012 | 2:23pm
MANILA, Philippines – Binasahan na ng sakdal si dating Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Manoling Morato ngayong Lunes sa Sandiganbayan kaugnay sa umano'y maanomalyang paggastos ng P366 milyon na intelligence fund ng ahensya.
Sa naturang pagdinig, tumanggi si Morato na magpasok ng plea kaya naman ang First Division na ng anti-graft court ang nagsalang ng not guilty plea para sa kanya.
Gaganapin ang preliminary conference para sa kaso sa Enero 16, 2013.
Ilang beses na naudlot ang pagbasa ng sakdal kay Morato matapos sumailalim ang dating PCSO official sa bypass operation sa St. Luke's Medical Center.
Samantala, pinayagan ng Sandiganbayan si Morato na makadalo sa libing ng kanyang bayaw. Dennis Carcamo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am