185 OFWs gustong umuwi bago mag-Pasko
December 3, 2012 | 11:06am
MANILA, Philippines – Aabot sa 185 overseas Filipino workers at kanilang mga pamilya mula sa Saudi ang humihiling sa gobyerno na mapauwi bago mag-Pasko, ayon sa isang migrant workers group ngayong Lunes.
Sinabi ng Migrante-Middle East na ang mga OFW na gustong makauwi ng bansa bago ang araw ng Pasko ay iyong mga pansamantalang naninigilan sa Philippine embassy at consulate-run Bahay Kalinga at Filipino Workers Resource Centers (FWRCs).
Anang grupo, naging permanente na ang pagtigil ng mgaOFW sa embahada at karamihan sa kanila ay lagpas tatlong buwan nang tumitigil doon.
“The distressed OFWs from Bahay Kalinga in Riyadh and Jeddah, respectively, and at POLO-OWWA shelter in Al-Khobar, all in Saudi Arabia, are regularly calling us to plead for their repatriation," pahayag ng Migrante.
Sa talaan ng Migrante, mayroong halos 100 balisang mga babaeng OFW, 30 sa kanila ay may kasamang mga bata, ang nanunuluyan sa Bahay Kalinga sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang mga 45 OFW na nakatira naman sa FWRC na nasa loob ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah ay naghihintay nang mapauwi.
Sinabi pa ng grupo na mayroon pa ring 40 babaeng OFW na nasa Philippine Overseas Labor and Welfare offices sa Al-Khobar, silangang parte ng Saudi Arabia. Dennis Carcamo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am