12 pang party-list group hindi lumusot sa Comelec
November 23, 2012 | 4:01pm
MANILA, Philippines – Labing-dalawa pang grupo ng party-list, kabilang ang isang organisasyon na sinasabing kumakatawan sa mga guro, ang diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) en banc sa pagsali sa halalan 2013.
Diniskwalipika ng Comelec ang mga sumusunod:
· Manila Teachers
· Ala-Eh
· Sel-J
· Kasambahay
· 1 Serve the People
· Ako An Bisaya
· Abyan Ilonggo,
· Democratic Alliance
· 1 Para Sa Bayan
· 1 Alliance Advocating Autonomy
· Alab ng Pusong Pinoy
· Akbay Kalusugan
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. hindi kumakatawan sa mga guro ang grupong Manila Teachers.
Idinagdag pa ni Brillantes Jr. na hindi kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors ang 12 diskwalipikado.
Kamakilan lamang diniskwalipika din ng Comelec ang Black and White Movement na kilalang kaalyado ng administrasyong Aquino.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng poll body na si James Jimenez na inaasahang marami pang grupo ang ididiskwalipika hanggang Disyembre.
"There are more than a hundred still pending reviews. Marami pa tayong ine-expect na madidisqualify probably before December, so hindi pa tapos ang proseso," ani Jimenez.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest