^

Balita Ngayon

Hataman nababahala sa kabi=kabilang pag-aresto sa Basilan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Mujiv Hataman ngayong Huwebes ang sunud-sunod na ilegal na paghuli ng ilang tauhan ng pulisya sa mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa probinsya ng Basilan.

Ayon kay Hataman, ang bilang ng mga naaarestong inosenteng suspek ay nakakaalarma na at nagdudulot na ng matinding pagkabalisa ng mga residente ng probinsya.

Aniya, nakipagpulong na siya kina Basilan Governor Jum Akbar at Bise Gobernador Al-Rasheed Sakalahul upang pag-usapan ang mga plano kung paano mapipigilan ang mga pang-aaresto.

Dagdag ni Hataman, mga ahente ng Philippine Natgional Police's Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga umano'y nagsasagawa ng mga ilegal na pag-aresto sa mga inosenteng residente.

“I have prepared the reports of the number of cases of illegally arrested and will be submitted to President Benigno Aquino III so he will know the condition of the people terrorized by these intelligence operatives,” pahayag ni Hataman.

“The president will be informed of the alarming [number] of arrests of innocent victims."

Sinabi pa ni Hataman na hindi siya kontra sa pag-aresto ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, ngunit dapat naman ay may matinding basehan ang mga pulis bago arestuhin ang isang tao.

Base sa mga natanggap niyang ulat, ang pinakahuling inaresto ng mga ahente ng CIDG na nakabase sa rehiyon ay si Romy Sumanpil, pinsan ng tagapangulo ng Basilan Asscoiation of Barangay Council (ABC) na si Manan Sumanpil.

Isa pang biktima ng pang-aaresto ay isang kapitan ng baranggay ng Lantawan.

“Mamaya maubos na ang resident ng Basilan dahil sa mistaken arrest na 'yan,” reklamo ni Hataman. Roel Pareño

 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AUTONOMOUS REGION

BASILAN

BASILAN ASSCOIATION OF BARANGAY COUNCIL

BASILAN GOVERNOR JUM AKBAR

BISE GOBERNADOR AL-RASHEED SAKALAHUL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HATAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with