^

Balita Ngayon

MILF itinangging hawak ang Maguindanao massacre suspects

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong Huwebes na hawak nito ang mga suspek sa pagpaslang sa 58 katao sa Maguindanao noong Nob. 23, 2009.

Sinabi ni Von Al-Haq, tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na military arm ng MILF, na labag ang pagtatago ng mga pugante o terorista sa July 1997 General Agreement on Cessation of Hostilities na nilagdaan ng grupo kasama ang gobyerno.

Itinaggi ni Al-Haq ang mga kumakalat na balita na si Bahnarin Ampatuan, isa sa mga suspek at apo ng nakakulong nang si Andal Ampatuan Sr., at iba pang mga suspek sa Maguindanao massacre case ay mga kasapi na ng MILF.

Tiniyak naman ni Al-Haq na handang tumulong ang puwersa ng MILF sa Central Mindanao upang maaresto ang mga suspek kung sakaling mapapadpad ang mga ito sa kanilang teritoryo.

Samantala, balak ding makipagtulungan ng Maguindanao Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa government-MILF ceasefire committee upang protektahan ang paligid ng pinangyarihan ng masaker.

Inianunsyo ni PPOC presiding chairman, Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu noong Miyerkules na binababoy at ninanakawan ang lugar na pinangyarihan ng masaker sa Baranggay Masalay sa bayan ng Ampatuan.

Ayon kay Mangudadatu, tatlong solar-powered overhead lamps na nagkakahalaga ng P83,000 ang ninakaw sa lugar.

Ginawang isang dambana ang pinangyarihan ng masaker upang ipaalala ang malagim na insidente. Ang lugar kung saan pinagpapatay ang 58 katao ay dalawang kilometro ang layo mula sa isang detachment ng mga Citizens Armed Forces Geographical Unit.

“These attacks by vandals and burglars are in total disrespect of the memories of the people that perished in that massacre,” ani Mangudadatu. John Unson

AL-HAQ

ANDAL AMPATUAN SR.

BAHNARIN AMPATUAN

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES

BARANGGAY MASALAY

CENTRAL MINDANAO

CESSATION OF HOSTILITIES

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

MANGUDADATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with