^

Balita Ngayon

Pinoy sa Gaza ayaw umuwi ng Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gustong lumikas ng mga Pinoy na naiipit sa Gaza Strip ngunit ayaw nilang magpauwi sa Pilipinas dahil mas takot silang mawalan ng trabaho, ayon sa isang embahador ngayong Miyerkules.

"The report from our embassy in Cairo, 15 [Filipinos] have signified that they want to leave Gaza Strip but not necessarily to be repatriated," sabi ni Philippine Ambassador to Jordan and Palestine Olivia Palala sa isang panayam sa radyo.

Aniya, gusto lamang ng 15 Pinoy lumipat sa isang ligtas na lugar kung saan hindi sila maaapektuhan ng bombahan at air strikes sa pagitan ng Israel at Hamas.

"They are afraid of the gun fire and violence, but they did not want to leave," dagdag ni Palala.

Sinabi pa ni Palala na ang embahada ng Pilipinas sa Israel at Jordan ay ganoon din ang pinuproblema.

"There is hesitation among Filipinos to be repatriated all the way to the Philippines," sabi ng embahador.

Dagdag ni Palala na nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa Cairo sa mga awtoridad ng Egypt upang payagan ang mga Pinoy, na galing Gaza Strip, na mamalagi sa kanilang teritoryo ng isang buwan.

Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs ng extraction team upang sagipin ang mga Pinoy na naipit sa Gaza Strip.

Ayon sa mga ulat, aabot sa 121 Pinoy ang nakatira sa Gaza Strip.

ANIYA

AYON

DAGDAG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GAZA STRIP

GUSTONG

JORDAN AND PALESTINE OLIVIA PALALA

PHILIPPINE AMBASSADOR

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with