3 party-list pasado sa Comelec
November 16, 2012 | 4:13pm
MANILA, Philippines – Tatlong party-list groups ang inaprubahan ng Commission on Election (Comelec) na lumahok sa halalan sa 2013.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na pinayagan ng Comelec en banc ang Piston party-list group, Aasenso at isang grupo na kumakatawan sa mga matatanda.
Ani Brillantes, naging unanimous ang botohan upang payagan ang tatlong party-list groups na lumahok sa darating na halalan.
Nitong Miyerkules ay 10 grupo ng party-list ang hindi pinalusot ng Comelec dahil hindi kumbinsido ang en banc na ang mga grupo ay tunay na kumakaatawan sa mga marginalized sectors ng lipunan.
Kabilang dito ang Abot-Tanaw, Abroad, Guardian, Hukbong Kerubin, Ilaw, Samahang Ilokanong Magsasaka, Angat-Ahon Magsasaka, Good, Una Edukasyon, at Courage. - Dennis Carcamo
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended