^

Balita Ngayon

Suspek sa Rolito Go 'kidnapping' lumantad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumuko na sa mga awtoridad ang itinuturong suspek sa umano'y pagdukot kay murder convict Rolito Go noong nakalipas na buwan ng Agosto.

Iniharap ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Angeles, 33, sa mga miyembro ng media ngayong Biyernes. Kasama ng suspek na humarap sa media ang kanyang tiyuhin na si Romulo Lantayan.

Ani Lantayan, walang kinalaman ang kanyang pamangkin sa umano'y pagdukot kay Rolito Go at pamangkin na si Clemence Yu noong Agosto 14.

"Walang siyang karanasan sa ganyang pangyayari, wala pong alam dyan," sabi ni Latayan.

Nagpunta umano si Angeles sa kanyang bahay sa Barangay San Vicente, Santo Tomas, Batangas nitong Miyerkules ng gabi upang humingi ng payo hinggil sa pagkakadawit niya sa naturang kaso.

"Humihingi siya ng payo kasi siya po ay inosente sa pangyayari," ani Lantayan.

vuukle comment

AGOSTO

ANI LANTAYAN

BARANGAY SAN VICENTE

BATANGAS

BIYERNES

CLEMENCE YU

HUMIHINGI

REYNALDO ANGELES

ROLITO GO

ROMULO LANTAYAN

SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with