^

Balita Ngayon

Mga piskal, imbestigador sasalang sa torture case training

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang non-government organization ang lalagda ng kasunduan sa mga ahensya ng gobyerno upang bigyan ng pagsasanay ang mga imbestigador at prosekyutor upang mapalakas ang pananaliksik at pag-usig sa mga kaso ng torture sa bansa.

Ang mga kinatawan ng Medical Action group ay pipirma ng memorandum of agreement ngayong Huwebes ng umaga sa mga opsiyal ng British Embassy Manila, Department of Justice, at Philippine National Police sa opisina ng DOJ sa Maynila.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kapasidad ng mga imbestigador sa pangangalap at paghawak ng mga ebidensya at makapagbigay ng mga kaalaman sa mga prosekyutor sa tamang pagtasa ng mga ebidenysa sa court proceedings sa mga kaso ng torture.

Idinagdag ng grupo na layunin rin ng pagsasanay na matugunan ang international standards ng United Nations sa Effective Investigation and Documentation of Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (“the Istanbul Protocol”).

"This is in view of the lack of documentation standards for torture cases has often resulted in the rejection of physical and medical evidences by the courts. This training will have a direct impact on the ability to investigate and secure prosecution by improving the quality of evidences in torture cases," pahayag ng MAG.

Popondohan ng British Embasyy on Human Rights and Democracy Programme at sasaksihan ng Commission on Human Rights ang paglagda ng MOA.

BRITISH EMBASSY MANILA

BRITISH EMBASYY

DEGRADING TREATMENT

DEPARTMENT OF JUSTICE

EFFECTIVE INVESTIGATION AND DOCUMENTATION OF TORTURE AND OTHER CRUEL

HUMAN RIGHTS

ISTANBUL PROTOCOL

MEDICAL ACTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with