^

Balita Ngayon

P15-M shabu nasabat sa QC

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines - Aabot sa P15 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation ngayong Miyerkules ng umaga sa Barangay Bagumbayan, Quezon City.
 
Dalawang Chinese national at dalawang Pinoy ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTFG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuhaan ng tatlong kilong shabu.
 
Ayon kay PDEA chief Arturo G. Cacdac Jr. lulan ng dalawang sasakyan ang mga suspek nang dumating sa lugar ng operasyon.
 
Sinubukan pang tumakbo ng mga suspek ngunit nahuli rin sa may karatig na baranggay na Manggahan, Pasig City.
 
Dagdag ni Cacdac, ang isinigawang raid ay isang follow-up operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA at AIDSOTF) sa nadiskubreng shabu laboratory sa Caloocan City kamakailan. AJ Bolando

AABOT

ARTURO G

BARANGAY BAGUMBAYAN

CACDAC JR.

CALOOCAN CITY

DALAWANG CHINESE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with