^

Balita Ngayon

Estudyante nahulog sa main building ng UST, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa malaman kung nahulog ba o tumalon ang mag-aaral ng University of Santo Tomas mula sa ika-apat na palapag ng main building ng unibersidad nitong Lunes ng hapon.

Namatay ang third-year Biology student na si Jonah Ortiz sa ospital ng pamantasan mga bandang 7:40 ng gabi, lagpas limang oras na nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Varsitarian, opisyal na pahayagan ng UST, nasaksihan daw ng isang Pharmacy student ang insidente at ngayo'y sumasailalim sa stress debriefing.

Dagdag ng mga mag-aaral ng Faculty of Civil Law, nasa unang palapag ng gusali, ay may narinig silang kalabog mga bandang 2:00 ng hapon.

Naisugod kaagad ang biktima sa UST Hospital ngunit inagawan din ito ng buhay.

Maglalabas ng opisyal na pahayag ang College of Science ngayong umaga. AJ Bolando

vuukle comment

AYON

BOLANDO

COLLEGE OF SCIENCE

DAGDAG

FACULTY OF CIVIL LAW

JONAH ORTIZ

MAGLALABAS

NAISUGOD

NAMATAY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with