Ang Kapitbahay (126)

“PAANO niyang nalaman?” tanong ni Margie na ang mga mata ay dilat na dilat at punumpuno ng pagkabigla.

Hindi sumagot si Vince.

“Basta mas makabu­buting sabihin­ mo na kay Renan ang lahat bago may mangyari.”

“Ayoko Vince!”

“Takot kang malaman ni Renan­ ang iyong kataksilan?”

Hindi sumagot si Margie­.

Na­katingin lamang kay Vince.

“Tawagan mo na siya at ipagtapat ang lahat. Wala nang pinakamabuti kundi malaman niya ang nangya­yari. Ikaw ang dapat mag­­sabi sa kanya,’’ sabi ni Vince at saka umalis.

Naiwan si Margie na nakatulala.

Nang makabalik sa bahay si Vince, napag-isip-isip niya na tama lamang ang ginawa niyang pagsasabi kay Margie na ipagtapat ang nangyari kay Brenda na sumama itong naki­pagtanan kay Ram. Wala nang iba pang ma­gandang gawin kundi ito.

Pero tutol si Margie dahil sisingaw ang baho niya. Pero magtapat man siya o hindi, malalaman din ni Renan ang lahat.

Alam na nga ni Renan dahil tinext na niya ang ginagawa ni Margie na pakikipagrelasyon sa ibang lalaki—kay Ram nga.

ISANG tanghali, nabu­labog ang pag-idlip ni Vince nang makarinig ng sigaw mula sa katabing bahay.

Dali-dali siyang su­milip.

Nakita niya si Renan. Ito ang sumisigaw.

Itutuloy

Show comments