Suklam (82)

NAPANGITI si Brent habang pinagmamasdan ang pag-alis ni Mara. Naisip niya, dapat ipadama sa mga babaing tulad ni Mara ang “bangis” para tumigil sa inaaktong pagmamaliit o pang-iinsulto. Ang katulad ni Mara ay hindi titigil hangga’t hindi nakakatikim ng “bangis” ng pagkalalaki. Tiyak na dahil sa ginawa niya kay Mara ay titigil na ito sa pagmamaliit o pang-iinsulto. Tiyak na tameme na ito makaraan ang ginawa niya.

Pero nagtataka rin si Brent sa ginawa kay Mara kanina. Maski siya ay hindi inaasahang magiging­ “mabangis” kay Mara. Nalasa­han niya ang manamis-namis na labi ni Mara. Nadama niya ang malusog na “papaya” nito at napasok ang “lagusan”.

Nagtataka si Brent sapagkat wala pa siyang karanasan sa ganun. Hindi niya maipaliwanag kung paano nasakmal ang manipis at manamis-namis na labi ni Mara. Hindi rin niya maipaliwanag kung paano niya napagsawaan sa hawak ang malusog na “papaya” at kung paano napasok ang “lagusan”. Bumilib siya sa sarili. Kaya pala niya. Sa pakiramdam niya, nasiyahan si Mara. Ka­kaibang karanasan ang pinadama niya rito.

Napangiti muli si Brent. Ninamnam niya ang manamis-namis na labi ni Mara.

ISANG tanghali, abala si Brent sa stockroom para sa panibagong inventory ng mga bagong deliver na equipment. Nang biglang pumasok si Mara.

“Ba’t narito ka Mara?’’

“Hindi ko malimutan ang ginawa mo, Brent.’’

Itutuloy

Show comments