Alakdan (155)

MGA pangalan ng tao at number ng telepono ang nakasulat sa maliit na notebook. Tiyak na kay Kreamy ang notebook dahil sa itsura ng sulat ay sa babae. Maayos ang pagkakasulat at napakalinis. Napakaraming pangalan at number ng cell phone. Hula ni Troy ay mga kaibigan ni Kreamy ang mga nakasulat na pangalan doon. Pawang sa babae ang pangalan.

Ibinalik niya ang notebook at kinuha ang isa pang notebook na kulay pink. Binuklat niya. Diary ba ni Kreamy yun. May date pa ang bawat pahina   ng notebook. Nakasa-ad ang mga nangyari sa bawat petsa.

Papasadahan na niya ng basa ang nakasulat sa unang pahina nang bigla niyang marinig ang tawag ni Mama Mayette.

“Troy! Troyyy!”

Galing sa labas ng bahay ang tawag.

“Troy buksan mo itong pinto!”

Nagmamadaling ibinalik ni Troy ang diary sa cabinet at isinara. Mabilis na bumaba at tinungo ang main door. Binuksan.

“Dali at ang bigat ng dala ko,” sabi ni Mama Mayette. Maraming dala. Pawang nasa grocery at shopping bags.

Kinuha niya ang mga dala at ipinasok sa loob.

“Mga pagkain natin yan at saka mga damit mo, brief, panyo at kung anu-ano pa.”

Nakatingin lang si Troy sa pinamili ni Mama Mayette. Masyadong masaya si Mama Mayette.

“Mga luma na kasi ang mga damit mo kaya ibinili kita. Sa isang araw, manood tayo ng sine ha.”

Tumango si Troy.

“Tapos magmotel tayo.’’

Mahilig talaga ang matrona. Magmomotel pa e puwede naman dito sa bahay.

Tumango uli siya.

May sinabi pa si Mama Mayette pero ang isip ni Troy ay nasa notebook na binasa niya kanina. Babalikan niya ang notebook at kukunin. Babasahin niya ang mga nakalagay doon.

(Itutuloy)

Show comments