NARITO na pala ang “tagapagligtas” niyang si Mama Mayette, naisip ni Troy. Kahit madilim, naaninag niya si Mama Mayette. Hindi maikakailang wala nang saplot. Malinaw ang kanyang mga mata kahit sa dilim kaya nakikita niya ang kabuuan ni Mama Mayette. Siguro, aninag din siya ni Mama Mayette. Baka nalalaman na rin ni Mama Mayette na wala na rin siyang saplot sa kabila ng nakataping tuwalya. Kung hahaltakin ni Mama Mayette ang tuwalya, makikita niya ang matagal nang inaasam.
‘‘Ang tagal mong maligo,’’ narinig niyang sabi ni Mama Mayette. Mahina lang ang pagkakasabi at may haplos ng landi.
“Sabi mo magsabon akong mabuti,’’ sagot naman ni Troy.
‘‘Oo nga.’’
‘‘Narito ka na pala. Akala ko kung nasaan ka.’’
“Akala mo lumabas ako?’’
“Oo.’’
‘‘Ngayon pa ba ako lalabas na narito ka na. Gusto ko nga lagi kang babantayan.’’
“Hindi na naman ako aalis. Hindi mo na ako kailangang bantayan.’’
‘‘Malay ko. Pasaway ka rin di ba?’’
“Dati. Pero nang iligtas mo ako sa pagkagutom, hindi na.’’’
‘‘Talaga? Ibig mong sabihin, payag ka na?’’
‘‘Ano sa palagay mo?’’
‘‘Baka tumutol ka uli gaya nun. Baka na naman mapahiya ako.’’
‘‘Ikaw nga ang nagligtas sa akin sa pagkagutom kaya wala nang dahilan para tumanggi ang katulad kong alipin.’’
‘‘Sobra ka naman. Bakit alipin?’’
“Alipin mo na ako mula ngayon.’’
‘‘Hindi ako ang alipin mo,’’ sabi ni Mama Mayette. ‘‘Pagsisilbihan kita, Troy. Akalain mong napasuko ko ang isang makamandag na alakdan. Pagkaraan nang matagal ding panahon, napayuko ko ang alakdan.’’
Alakdan? Bakit alakdan, naitanong ni Troy sa sarili.
Pero hindi na nasagot ang tanong niya sapagkat sumalakay na ang alipin sa katauhan ni Mama Mayette. Pagsisilbihan daw siya. At totoo nga. Nadama ni Troy ang pagsisilbi nang haltakin ang nakataping tuwalya.
Walang nagawa ang alakdan kundi itiklop ang buntot na may kamandag. Mas matindi ang kamandag ng sumalakay na alipin.
(Itutuloy)